Dahil Semana Santa ngayon at panahon para magnilay-nilay hindi magswimming sa kung saan-saan, at walang magandang mapanood sa telebisyon, at maghapon na kong nakatengga sa bahay, tapos lumipas ang tatlong araw at nabuhay na mag-uli si Hesus e muli kong binubuhay ang blog ko.
Sa ngalan ng Milo na iniinom ko ngayon, muli kong puputaktihin ang sangkainternetan ng mga shits ko sa buhay. Medyo boring na kasi sa Tumblr (pasintabi sa mga adik na adik sa Tumblr na puro lang naman reblog ng kung anu-anong pictures na sobrang ganda sabay babanatan ng lyrics mula sa kanta o kaya quotes na mapapalaslas ka sa sobrang ka-emohan at dagdagan mo pa ng watermark), kaya iyon dito na lang ako maglalabas ng sama ng loob, na sa tingin ko naman ay walang mag-aabalang magbasa. Unless stalker kita, pero okay lang. Gusto ko yung mga ganyang tipo.
Simula sa paghahanap ng shit na layout (salamat kay Rosele na chinat ko pa sa FB para tignan kung ano ang pinakamagandang layout sa mga napili ko, Hi Rosele! Di ko nga pala ginamit yung sinabi mong layout.), pagbabago ng mga clickables sa taas, at pagdadagdag ng mga gadgets-kuno(yung isda sa baba at yung Twitter Updates diyan sa gilid), ayun, natapos ko rin "pagandahin" ang aking bagong-bagong bonggang- bonggang blog.
At dahil wala na kong masabi at di ko alam paano tatapusin to, kaya ganto na lang bigla na lang mawawala...
Tuesday, April 3, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

4 comments:
Gano ka kahayop nyan?
TANGINA MO ROSELE! WAHAHAHA!
Alam mo ba na masama yang ginagawa mo? Ikaw na ang may sabi, SEMANASANTA ngayon, araw ng pagkabuhay ni Hesus, etc. pero look what you're doing! Mura ka nang mura! Sinasayang mo din ang enerhiya at ideya ng ibang tao! You're a disgrace to the Christian world! HAHAHAHAHAHA.
HATERS GONNA HATE! WAHAHAHA! FU ROSELE! ANG DRAMA NG BLOG MO! WHERE'S YOUR BFF? BOOO. #CYBERBULLYING
Post a Comment