Friday, March 11, 2011

BALIK TANAW SA CMSC2

Sisimulan ko ang post ko na to kung paano ko nakuha ang subject o kurso na ito.

Sa totoo lang wala talaga ako dapat na CMSC2. Dahil na rin sa hindi ko ito nakuha sa SystemOne at kahit nagpawaitlist man ako ay ayaw pa rin sumuko nung tatlong nauna sakin. Kaya iyon, naniwala na lang ako sa kapangyarihan ng PRE-ROG

Iyon nga, start pa lang ng Second Sem, pinilit ko ng makuha ang CMSC2. Kung hindi niyo kase natatanong, may malalim na dahilan kung bakit gustong- gusto kong magkaroon niyan. Noong unang try ko magpre-rog sa isang klase, wala akong napala. Mahigpit ang labanan lalo na't may mga upperclass akong kasama, tapos yung iba naman ay sobrang unti pa lang ng mga units. Kaya iyon, wala akong laban. Pero hindi pa rin ako nagpatinag. Well? Alam mo naman, iba ang nagagawa ng pagiging desperada. Kaya nag-try ulit ako sa ibang klase. At presto, may CMSC2 na ko. Yeahbah! Pero hindi pa pala dun natatapos yun, kase yung nakuha kong lecture ay may conflict sa iba kong subject, yung NASC2 a.k.a The Boring Planet. Gustuhin ko man kuhanin ang GE na to, syempre kinancel ko na para sa CMSC2 at dahil sa katotohanang boring nga

In short nagkanda-letse- letse ang buhay ko nung simula ng Second Sem. Alam mo yung cancel tapos pre-rog sa iba, tapos cancel ulit, pila doon, papirma dito, hintay ng unting oras, hintay ng mahabang oras para lang sa pirma, hindi maglunch, mamuti ang mata, late magpa-enroll, hindi pumasok sa ibang subject para lang magpaenroll,tapos nung nakapila ka na biglang may sumigaw na extended daw ang date ng enrollment, hindi ka na makaurong dahil bukod sa malapit ka na sa pila at tanaw na tanaw mo na yung liwanag eh ang katotohanang sobrang late ka na sa klase mo kaya wa-epek na rin kung pumasok ka pa at lahat- lahat na ng kamalasan. Ako yun eh. AKO YUN.

Siguro naging maayos lang ang buhay ko nung mga bandang third week na ng second sem. Noong unang pasok ko sa Lect ng CMSC2, wala lang, na-elibs ko sa presentation. P*%@#$! COOL talaga! Tapos... Astig talaga eh. Wala akong nasabi. Syempre bukod sa nabilib ako ay na-insecure din ako ng medyo lang, *medyo lang naman sa software na gamit ng prof ko. Bukod pa dun, ay ang pagbibida niya sa amin ng ilang mga gadgets niya, pati na yung mga pinagkakaabalahan niyang video presentation. Lahat yun nakita ko. Amazing.

Kung sa Lab naman ang pag-uusapan natin, cool din ito. Dito mo ma-aapply ang lahat ng natutunan mo sa Lect. Naroon yung basic HTML at CSS, effective google searching, tapos blogging at kung anu- ano pa. Ang di ko malilimutan dito ay yung mga pa-epek na kung anu- ano. Katulad na lamang sa blogging, yung tungkol sa buhay mo, syempre maganda yun dahil bukod sa walang tama o mali dito, ikaw pa ang bahala sa kung anong gusto mong ilagay. Tapos yung mga "Best Friend Forever List", di ba ganun- ganun lang may siyam ka na kaagad na bespren? Ganun lang. Tapos yung Google Docs na dapat ay makagawa kayo ng kwento na dapat lahat ay may contribution na tig-sampung sentence. Learning habang nagbobonding. Oh di ba? Ang cheesy talaga. Pero keri lang.

Lahat lahat, ang masasabi ko lang talaga ay masaya ako at nagka-CMSC2 ako ngayong  sem! Wooh! Sa mga wala mainggit kayo. At sa hindi makakaranas mag-CMSC2 mas lalo kayong mainggit. Seryoso.

Yung isang linya ng blocmates ko sa pinakalikod tuwing Lect ng CMSC2, yung daldalan at tawanan namin kahit nagdidiscuss, yung pagvavandal ko sa mga upuan sa ICS mega lecture hall, yung foodtrip pagkatapos ng Lect, yung mga exer sa Lab na sobrang cheesy talaga, yung cramming para maipasa ang blogs at exer bago mag-11:59PM tulad ng nangyayari ngayon, yung kaguluhan sa Google Docs, yung pagchachat na rin para makabuo ng isang kwentong walang saysay, yung panakaw na pag-FFB at pagbabasa ng manga, yung pag-yY8 ko na hindi inallowed ng UPLB Network dahil pornsite daw, yung maagang dismissal, yung paghihintay ko sa hallway bago mag-Lab. Lahat lahat yun mamimiss ko. 

Hay ang saya lang. Ito talaga ang pinaka-cool na subject ko ngayong sem. Pramis. 


Saturday, January 1, 2011

BUWANANG DALOY NG AKING 2010. LOL.

Parang kelan lang yung 2010 na yan. Pero halos di ko na nga maalala yung mga nangyari sakin noong taon na yan. Siguro yung mga alaala, oo. Pero yung mga saktong petsa kung kelan nangyari ang mga yun. Di ko na kayang alalahanin. Halika't magbalik-tanaw tayo sa nangyari sa akin nitong nakaraang taon habang hinahalukay ko sa aking utak ang mga saktong pangyayari.

REWIND. KANTAHIN NATIN ANG LUBI- LUBI.

ENERO (BUWAN NG KASIPAGAN)


Reincarnation nga pala yung topic ko niyan. At 99% ang grade ko. 

Eto yung buwan na sobrang busy ko... mag-cramming. Oo busy ako. May research paper kasi kami niyan sa ENG. At iyon ang magsisilbi namin Final Project. Nung una pa lang sinabi yan, deadma lang ako. Yung tipong papetiks-petiks lang sa paggawa ng notecards. Minsan nga kung anu- ano na lang ang sinusulat ko para lang may maipasa. At mas malala ay minsan pinapasulat ko sa katabi ko pag tinatamad nagkakasakit ako. *May sakit ako sa kamay. Seryoso. HAHAHA. Ang  naalala ko lang dito ay yung pinuntahan namin yung teacher namin sa tindahan niya para pakiusapan nga namin siya na iextend ang deadline. Kinantahan namin ang teacher namin ng jingle ni Manny Villar,    yung "Tunay na Mahirap". Pero iniba namin ang lyrics, yung kanya ay "Tunay na Maganda".

FACT: Ang kaso hindi pa rin tumalab. Tumawa lang siya ng tumawa.

Printscreen ng results ng UPCAT 2010. Oo na. Ako na ang DPWAS.
Eto nga rin pala yung time na nalaman ko sa kaklase ko pa via phone call na pumasa ako sa UPCAT. Di na kasi ako nag-abang sa net dahil nga di naman ako umasang papasa ako. At tsaka wala ata ako nung gabi na yun sa bahay. Ang alam ko nasa galaan ako nun.

PEBRERO (BUWAN NG PAGHIHIRAP)


Ayan ang mga klasmeyts kong photo maniac. :) 


Pag Pebrero, expected na diyan ang Araw ng mga Puso syempre. Pero lintik hindi lablayp ko ang isusulat ko dito. Pano ba naman eto yung buwan na pressured ako sa project namin sa MAPEH. Gagawa dapat kami ng movie nun. Ang kaso FAIL kami sa lahat. Sa actors/actresses, editors, propsmen, scripwriters, videocams, lugar na pwedeng mag-shooting at sa lintik na direktor na walang kwenta at walang ginawa kundi tumunganga. Sa bandang huli hindi rin namin napasa at iniba na lang ng teacher ang project namin. Ayun ay ang magparenovate ng garden. Letse. At ito rin ang buwan na sinusulit na namin ang panahon na magkakasama- sama kami magkakaklase. Nariyan yung nagpahenna tattoo kaming lahat ng star sa kamay at nagpiktyuran kung saan-saan.

FACT: Ako nga pala yung Direktor niyan. HAHAHA.

MARSO (BUWAN NG LALONG PAGHIHIRAP)


Taas: Iyan yung mga candidates ng Miss Bebot. Nawa'y hindi nila makita to.
Baba: Iyan yung class picture namin. Wacky daw eh.


Nga pala, yung hindi namin natuloy na pelikula para sa MAPEH ay pinalitan ng teacher namin ng pagpaparenovate ng garden PLUS ang Ms Bebot 2010. Labanan ng lahat ng section yun. At kung hindi niyo naitatanong labanan yan ng mga lalaki na gaganap bilang babae, parang Ms Gay lang rin. Mahirap dahil kami ang all-out na nagprepare ng program. Tapos nakisabay pa yung clearance. Ay nako. Naisip kong wag na lang grumadweyt. LOL. Biro lang. Pero wala eh masyado na kong sinusuka ng school namin.

FACT: May medal nga pala ako nung graduation. Sa awa ng Diyos. HAHAHA.

ABRIL (BUWAN NG LITERAL NA PAGHIHIRAP)


Picture ng outing namin na sadyang pinagpilitan naming matuloy.

Naghirap ako dahil ang dami kong graduation pictures galing sa mga lintik na mga photographer na hindi ko naman inutusang piktyuran ang pagmumukha ko. Wala eh. No choice kailangan kong kuhanin yun kaysa naman ibalandra ang pagmumukha ko sa mga studio nila. Mas lalo akong naghirap dahil sa outing namin. Ako ang nag-asikaso sa lahat. Ako ang taga-paningil. Ako ang bumubugbog pumipilit sa lahat ng ayaw magsisama. Ako ang nagtiis at nagtiyaga para matuloy ang outing namin. In short, ako ang MARTIR. Mabuhay ako!
.
FACT: Nitong araw ng outing lang nila nalaman na mag-aaral ako sa UP-Elbi. At kinabukasan na rin nun ang alis ko para sa SBP. Ayun nawindang silang lahat at inulan ako ng text messages na kesyo mamimiss raw nila ako. Akalain mo yun.

MAYO (BUWAN NG PAG-AARAL HABANG KAYO AY NAGBABAKASYON)


Yan ang klasmeyts ko. At iyan na nga yung sinasabi kong TMD.




Iyun nga. Nag-SBP ako. At dito ko nakilala ang mga unang tropa ko sa elbi. Nakabuo kami ng samahan na kung tawagin ay TMD (Tigasin ng Men's Dorm). Tigasin dahil lagi kaming tumatakas tuwing madaling-araw para mag-7-11, magneighboring, mag-movie marathon, mag-ingay at lahat- lahat na pwedeng gawing kalokohan.

FACT: Section 4(Ang Section na Sikat) nga pala ako niyan. At MATH ang subject na tinake ko. Wala eh. Magaling na daw ako sa ENGLISH.  What's up Dude? What's your problem Dude? WTH. HAHAHA.

HUNYO (BUWAN NG BUHAY NF)


TAAS: Iyan ang sched ko na kinaiinggitan
BABA: Bloc picture ng minsang umattend ako ng GI
Hindi na ko nahirapan mag-adjust sa elbi nung time na to. Alam ko na ang pasikot- sikot ng campus. Alam ko na ang likaw ng mga bituka ng mga kakilala ko. Alam ko na ang kasaysayan ng Men's Dorm. Alam ko na lahat pwede na ko wag mag-aral. Yehey! LOLJK. Basta ang naalala ko na lang dito ay yung sched ko na kinaiinggitan ng lahat. Half day tuwing Miyerkules at Biyernes.

FACT: Tuwing Biyernes nga pala ay hindi ako umaattend ng GI kaya bale nagiging hanggang 8:30am lang ang  last class. Pero kilala ko naman ang mga blocmates ko. Naka-attend naman ako twice ng GI at isang bloc lunch.

HULYO (BUWAN NG NAGKA-AMNESIA ATA AKO)


Ayan ang bonggang farm namin. Tss.



Wala akong maalala rito. Okay next month na tayo. HAHAHA.

Meron pala, ang makasaysayang project naming Framville sa MATH2. Hindi ko talaga magets anung koneksyon ng FARMVLLE sa MATH2.

FACT: Isa kami sa mga weak na group sa Farmville. At naannounce pa kami minsan sa lecture class na lagi daw withered ang crops. Hay buhay.

AGOSTO (BUWAN NG B-DAY NG LOKO)


TAAS: Kaarawan kasama ang hayskuyl klasmeyts
BABA: Kaarawan kasama ang TMD



Birthday ko to. Double celebration. Kase nung una sa mga highschool classmates ko. Talagang bago ko bumiyahe, nag-gala muna kami. Ang isip ko di bale ng gabihin ako sa biyahe basta makapag-bday lang ako sa amin. Ayun nga. Nag-inuman kami umagang- umaga. Hindi naman ako tinamaan dahil hanggang tanghali lang naman yun at bumiyahe na rin ako pabalik ng elbi pagkatapos. Ang hindi ko naman inaasahan ay yung icecelebrate ko rin pala iyon sa piling ng mga kaibigan ko sa elbi.

FACT: Binigyan nga pala ako ng kwintas na paa ang pendant ng mga klasmeyts ko nung highschool at isang malaking cake naman ang binigay ng TMD sakin. Iba pa yung malaking card na binigay nila at kung anu- ano pa.

SEPTYEMBRE (BUWAN NG NASA BINGIT NG KAMATAYAN)


No Comment na lang.



MATH17 = HELL. Oo totoo yan. Maniwala ka sakin. Kayrami ng winasak na tahanan ang MATH17. Kayrami ng matang pinaluha. Kayramin ng pusong sinugatan. Oh MATH17, LAYUAN MO AKO. 


FACT: Eto nga pala yung buwan na nagpakahenyo ako. Naging laman ako ng library araw- araw. Doon ako natutulog nag-aaral. Malamig Maganda kase ang atmosphere at conducive to learning.

F*CK: Wag niyo ng itanong kung ano ang standing ko sa Math17. Mamatay na magtanong. LOL.

OKTUBRE (BUWAN NG MULING PAGSASAMA- SAMA)


TAAS: Sem-ender ng TMD
BABA: Outing kasama ang hayskul klasmeyts


SEMBREAK. Bago pala mag-sembreak ay nagkaroon kami ng night swimming ng TMD. Pagkatapos nun, ayun kinalimutan ko ang lahat na aking mga alalahanin. Nagsaya ako buong sembreak. Facebook hanngang madaling araw. Kabi- kabilaan ang mga gala. Kabi- kabilaan ang kasiyahan. Nag-outing kami ng mga klasmeyts ko nung hayskul.

FACT: Ako nga pala ULIT ang nag-ayos ng outing na yan. Dugo't pawis ang inalay ko para lang matuloy ang outing na to. Nariyan na ang nagpunta kami sa mga bahay- bahay nila para lang mamilit na magsisama ang mga paimportante kong klasmeyts.

NOBYEMBRE (BUWAN NG BAGONG- BUHAY)


Ang SYSTEMONE kung saan inayos ang sked ko. Ngunit di naman natupad dahil waitlisted ako sa iba. 
Second sem na. Ito yung lubos ang naging pagtitiyaga ko sa pag-aayos ng sked. Kung hindi niyo natatanong, pinilit ko talagang magka-CMSC2.

FACT: Kinancel ko nga pala ang aking NASC2 para sa CMSC2. Tapos nagpaiba ako ng section sa ENG2. Tapos nagpre-rog ako sa HIST1. Tapos... Ah tapos na. Presto. May CMSC2 na ako. Wag niyo na lang itanong kung paano ang mas naging paghihirap ko nung ako'y mag-enroll.

DISYEMBRE (BUWAN NG NABUTAS ANG BULSA)


TAAS: Christmas party ng TMD
BABA: Christmas pic namin ng Nanay ko
Syempre Pasko. Ang alam ko dati pag Pasko yumayaman ako .Aba'y nitong Pasko naghirap ako. Kabi- kabilaan kase ang naging mga exchange gift niyan. Party- party. Iba pa yung sa TMD, sa klasmeyts mo nung hayskul, sa pamilya mo, sa FANS mo, sa HATERS mo, sa FOLLOWERS mo, sa STALKERS mo. Oo nagdaraos ako ng party kasama ang aking masusugid na taga-suporta. LOLJK.

FACT: Deathnote notebook nga pala ang hiningi ko na gift sa nakabunot sakin nung exchange gift namin. Kaya awayin niyo ako ha ng magamit ko naman yun. Sayang eh. HAHAHA.


Ayan tapos na. Sa totoo lang nung una akala ko wala akong masusulat dito pero nagkamali ako. Ang dami ko talagang gustong sabihin. Ang kaso baka masyado na kayong maraming malaman sa aking buhay. At baka MMK pa ko. Alam na.