Sisimulan ko ang post ko na to kung paano ko nakuha ang subject o kurso na ito.
Sa totoo lang wala talaga ako dapat na CMSC2. Dahil na rin sa hindi ko ito nakuha sa SystemOne at kahit nagpawaitlist man ako ay ayaw pa rin sumuko nung tatlong nauna sakin. Kaya iyon, naniwala na lang ako sa kapangyarihan ng PRE-ROG.
Iyon nga, start pa lang ng Second Sem, pinilit ko ng makuha ang CMSC2. Kung hindi niyo kase natatanong, may malalim na dahilan kung bakit gustong- gusto kong magkaroon niyan. Noong unang try ko magpre-rog sa isang klase, wala akong napala. Mahigpit ang labanan lalo na't may mga upperclass akong kasama, tapos yung iba naman ay sobrang unti pa lang ng mga units. Kaya iyon, wala akong laban. Pero hindi pa rin ako nagpatinag. Well? Alam mo naman, iba ang nagagawa ng pagiging desperada. Kaya nag-try ulit ako sa ibang klase. At presto, may CMSC2 na ko. Yeahbah! Pero hindi pa pala dun natatapos yun, kase yung nakuha kong lecture ay may conflict sa iba kong subject, yung NASC2 a.k.a The Boring Planet. Gustuhin ko man kuhanin ang GE na to, syempre kinancel ko na para sa CMSC2 at dahil sa katotohanang boring nga.
In short nagkanda-letse- letse ang buhay ko nung simula ng Second Sem. Alam mo yung cancel tapos pre-rog sa iba, tapos cancel ulit, pila doon, papirma dito, hintay ng unting oras, hintay ng mahabang oras para lang sa pirma, hindi maglunch, mamuti ang mata, late magpa-enroll, hindi pumasok sa ibang subject para lang magpaenroll,tapos nung nakapila ka na biglang may sumigaw na extended daw ang date ng enrollment, hindi ka na makaurong dahil bukod sa malapit ka na sa pila at tanaw na tanaw mo na yung liwanag eh ang katotohanang sobrang late ka na sa klase mo kaya wa-epek na rin kung pumasok ka pa at lahat- lahat na ng kamalasan. Ako yun eh. AKO YUN.
Siguro naging maayos lang ang buhay ko nung mga bandang third week na ng second sem. Noong unang pasok ko sa Lect ng CMSC2, wala lang, na-elibs ko sa presentation. P*%@#$! COOL talaga! Tapos... Astig talaga eh. Wala akong nasabi. Syempre bukod sa nabilib ako ay na-insecure din ako ng medyo lang, *medyo lang naman sa software na gamit ng prof ko. Bukod pa dun, ay ang pagbibida niya sa amin ng ilang mga gadgets niya, pati na yung mga pinagkakaabalahan niyang video presentation. Lahat yun nakita ko. Amazing.
Kung sa Lab naman ang pag-uusapan natin, cool din ito. Dito mo ma-aapply ang lahat ng natutunan mo sa Lect. Naroon yung basic HTML at CSS, effective google searching, tapos blogging at kung anu- ano pa. Ang di ko malilimutan dito ay yung mga pa-epek na kung anu- ano. Katulad na lamang sa blogging, yung tungkol sa buhay mo, syempre maganda yun dahil bukod sa walang tama o mali dito, ikaw pa ang bahala sa kung anong gusto mong ilagay. Tapos yung mga "Best Friend Forever List", di ba ganun- ganun lang may siyam ka na kaagad na bespren? Ganun lang. Tapos yung Google Docs na dapat ay makagawa kayo ng kwento na dapat lahat ay may contribution na tig-sampung sentence. Learning habang nagbobonding. Oh di ba? Ang cheesy talaga. Pero keri lang.
Lahat lahat, ang masasabi ko lang talaga ay masaya ako at nagka-CMSC2 ako ngayong sem! Wooh! Sa mga wala mainggit kayo. At sa hindi makakaranas mag-CMSC2 mas lalo kayong mainggit. Seryoso.
Yung isang linya ng blocmates ko sa pinakalikod tuwing Lect ng CMSC2, yung daldalan at tawanan namin kahit nagdidiscuss, yung pagvavandal ko sa mga upuan sa ICS mega lecture hall, yung foodtrip pagkatapos ng Lect, yung mga exer sa Lab na sobrang cheesy talaga, yung cramming para maipasa ang blogs at exer bago mag-11:59PM tulad ng nangyayari ngayon, yung kaguluhan sa Google Docs, yung pagchachat na rin para makabuo ng isang kwentong walang saysay, yung panakaw na pag-FFB at pagbabasa ng manga, yung pag-yY8 ko na hindi inallowed ng UPLB Network dahil pornsite daw, yung maagang dismissal, yung paghihintay ko sa hallway bago mag-Lab. Lahat lahat yun mamimiss ko.
Hay ang saya lang. Ito talaga ang pinaka-cool na subject ko ngayong sem. Pramis.

1 comments:
\m/
Post a Comment