TUNGKOL SA BLOG NA TO

Ang blog na to ay dating blog para sa subject na CMSC2. Kaya naman kung makikita mo, puro tungkol sa CMSC2 ang mga naunang posts. Nang matapos kong makakuha ng 1.75(sa tonong nagmamayabang dahil ito na yata ang pinakamataas kong nakuhang grade sa mga CMSC subjects ko) sa CMSC2, e inabandona ko na at binasura ang blog na to. Ngunit subalit datapwat pero bagaman gayunpaman dahil sa maghapong pagkatengga ngayong summer dito sa bahay at dahil na rin sa paniniwalang malapit na ang Zombie Apocalypse e naisipan muling-buhayin ang blog na ito ng isang ninja para maligtas ang sangkatauhan.

Basta kung nababagot kayo sa buhay niyo, tambay lang kayo dito para mas lalo kayong mabagot. Pwe.