Thursday, November 25, 2010

WINDOWS VS. LINUX (Ang Paghaharap)

Ang Windows at Linux na nga ang pinakasikat na OS ngayon. Marami sa inyo na nagbabasa nito ay Windows user. Malaki nga naman ang kaibahan ng bilang ng gumagamit ng Windows kaysa Linux. Noong una kong nakita ang Linux, nalito talaga ako. Nanibago ako kasi Windows user talaga ako kaya hindi ko alam kung paano ko gagamitin ito at kung paano magsisimula na paglabanin ang WIndows sa Linux. Syempre dapat maging pantay ang paghatol ko sa dalawa.Dapat nating suriin ang lahat ng anggulo ng dalawang ito. Ito ang ilan na aking mga nakalap na impormasyon.

Pasok.

Ang Paghaharap

1. PRESYO

Windows - Nagkakahalaga lang naman ito mula $50 - $300 pataas. Depende pa yun sa kung anung version ang pipiliin mo.

Linux - Walang bayad ang OS na ito. Kung hindi man, tiyak na mas mababa naman ang presyo nito kumpara sa WIndows.Maghanap ka lang ng mapag-dodownloadan nito at meron ka ng OS na libreng- libre lang. Ang kaso nga lang, hindi ito nagbibigay ng libreng manual o paraan kung paano ito gamitin. Hayaan mo na lang ang sarili mong matutong gumamit ng OS na ito.


2. Sinong nagmamay-ari?

Windows - Kahit naging sobrang tagal na ng WIndows. At sa paiba-iba na rin nitong version. Nanatili pa rin itong pagmamay-ari ng MIcrosoft.

Linux - Madaming kumpanya ang nagmamay-ari dito. Marami ring flavors kabilang na ang Lycoris, Red Hat, SuSE, Mandrake, Knoppix, Slackware, Lindows. Sa kabilang banda, lahat ng kumpanyang ito ay naglalabas ng sari- sarili nilang version ng Linux.


3. Softwares

Windows - Mas madaming softwares ang inoofer nito. Marami kang mapag-pipilian. Karamihan kasi ng mga software na ginagawa ay maaari lamang sa Windows. Ngunit, karamihan din sa software nito ay binibili.

Linux - Halos lahat ng mga software dito ay libre, open source ika nga. Ngunit iilan lamang ang mga software na inoofer nila. Sabi nga kahit unti lang ang mga software nito. Maaari naman na gumamit ng espesyal na software na nagagawang mapagana ang mga Windows based software kahit pa itong OS ang gamit mo. 

4. Graphical User Interface
WIndows - Integral Component.

Linux - Optional.

Ito ang sinabi ni Mark MInasi sa isang magazine ((Windows and .NET magazine, March 2000) "The speed, efficiency and reliability are all increased by running a server instance of Linux without a GUI, something that server versions of Windows can not do. In the same article he points out that the detached nature of the Linux GUI makes remote control and remote administration of a Linux computer simpler and more natural than a Windows computer."

5. Open Source

Windows - Hindi ito open source at karamihan rin ng kanilang mga programs ay binibili.

Linux - Isa itong open source o freeware. Karamihan rin sa mga programs nito ay open source at maaring icustomize ng mga users ang ilan sa mga programs nito.
6. Security

Windows - Maraming mga viruses, worms, Trojans, etc. ang naglalabasan dito. Kahit na anung gawin ng MIcrosoft napapasok pa rin sila ng mga viruses. Mas pinagtutuunan kasi ito ng pansin ng mga hackers dahil nga sa sobrang dami ng bilang ng gumagamit ng OS na ito.

Linux- Mas ligtas ang OS na ito laban sa mga viruses at kung anu-ano pa. Sabi nga, bakit pa pagtutuunan ng pansin na siraiin ang Linux kung maliit naman ang komunidad nito?

7. Support

Windows - May own help section an gWindows. Marami ring mga online documentation at libro na inoofer ang Windows sa bawat version na nilalabas nila.

Linux - Kahit na mahirap mafamiliarize ang baguhang user ng OS na ito, marami rin namang nagkalat online na documentation at help and support sa web.


Sa ngayon, hindi pa mapagdesisyunan kung sino ang mananalo sa laban ng dalawang OS na ito. Simula pa lamng ito at marami pang susunod at mas kapa-kapanabik na pangyayari. HIndi natin alam na baka isang araw ay maging malaking komunidad na rin ang Linux. O di kaya'y mas patuloy pa rin na lumaki ang populasyon ng mga Windows users. Wala namang permanente sa mundo kundi pagababago kaya ipagsantabi na lang muna natin ang isyung ito.


P.S.
Sa ngayon, wag matakot sa pag-try ng bagong OS. Kung Windows user ka, subukan mo ring gamitin ang Linux ng malaman mo kung ano nga bang pinagkaiba nila. Kung Linux user ka, gawin mo na lang rin ang tinype ko sa taas kanina. :)


Sources:
http://www.computerhope.com/issues/ch000575.htm
http://www.unixtools.com/windows-vs.-linux.html
http://webdesign.about.com/od/webhosting/a/windows_v_linux.htm

Photos:
http://caunon.com/


Sunday, November 21, 2010

Top 10 Christmas Wish List

Dear Santa, 
Nawa'y mabasa mo ang blog ko na ito.Ito lang naman ang gusto kong makamit bago matapos ang 2010. Dahil malapit na nga ang Pasko ipagkaloob mo naman sana ang mga hinihiling ko. Sana matupad. :)

10. BIKE


Simple lang naman di'ba? Gusto ko lang kasi magkaroon ng bike. Matagal na ang pangarap ko na to. Simula pa nung nagsummer ako dito sa Elbi. Para kasing ang sarap ng pakiramdam habang nagbibike ka sa paligid.Tapos ang dami pang punong nakikita. Lalo na tuwing umagang-umaga, masarap ang hangin. Kahit hindi ko pa natatry yun kainin. Ang gusto ko nga pala sa bike ay yung may basket sa harapan. Cool, eh?

9. PLANNER/ ORGANIZER FOR 2011

Kahit anung planner na ipagkaloob mo sakin. LOL. Pero gusto ko sana yung Starbucks Planner simple lang at may kalakihan. Para makapag-doodle rin ako kahit papaano. Napansin ko lang kasi na nagiging makakalimutin na ko ngayon. Tumatanda na ata ako.

8. 1 YEAR SUPPLY NG NUTELLA & ICE CREAM

Isa na ata sa mga pagkain sa buong mundo ang hinding-hindi ako magsasawa ay ang Chocolate.Especially yung Nutella at Ice Cream. Gusto ko namang maranasang magpakabundat nito ng isang taon. Pero ang maganda dun eh yung hindi ako nag-aalala na mababawasan ang allowance ko. Kinakapos na kasi ako dito eh kaya hindi ko na mailagay sa priority list ko ang mga yan pag nag-gogrocery ako. Minsan nga inaamoy ko na lang yung Nutella mga nakadisplay. LOL.
 
7. FOUNTAIN PEN


Hay. Isa pa to. Ang tagal ko na tong pangarap. Dati nanghingi ako ng ganitong regalo sa kaibigan ko. Ang sabi niya saka na lang daw pag may trabaho na ko at kung may mga papeles na kong pipirmahan. Gustong-gusto ko na magkaroon nito para sipagin namin ako magsulat. Kahit anong fountain lang, di naman ako mapili. Pero alam ko namang mabait ka kaya gusto ko sana yung nasa itaas na ang ibigay mo sakin. Mystery Masterpiece nga pala ang pangalan nung fountain pen na yan. Limited Edition lang at Most Expensive Pen in the World. Kaya Santa bilisan mo ha, ipareserved mo na ko nito. 

6. GITARA




Matagal-tagal na rin akong last na nakahawak ng gitara. Nakalimutan ko nga yung mga ibang mga chords na malulupit. Second year highschool ata ako nung nasira yung gitara ko. Tinalunan kasi ng pusa namin at dahil nakasabit nga yun sa pader, bumagsak yun at nabasag. Buti na lang hindi nagdilim ang paningin ko sa pusa namin. Kung hindi baka nilason ko na yun. Simula nun, di na rin ako nakapag-gitara. Tinamad na ko. Ang pangit na kasi ng tunog nung basag na gitara kahit pa pinaghirapan kong iparepair yun. :|

5. GIFT CERTIFICATE MULA SA NATIONAL BOOKSTORE 


Gustong-gusto ko magbasa ng mga libro. Ang kaso gusto ko namang makabasa ng libro na pagkatapos ko basahin eh mailalagay ko sa bookshelf ko kuno. Wala kasi akong pera pambili. Kaya madalas sa madalas eh nanghihiram lang ako. Kaya kung magkakaroon man ako ng gift certificate mula sa National Bookstore, gusto ko sanang makumpleto yung mga libro ni Nicholas Sparks.

4. SLR
Ang cool pag nagkaroon na ko ng ganito. Parang ang sarap-sarap magkukuha ng pictures. Nagsasawa na rin kasi ako sa pipitsuging camera ng cellphone ko. Ayoko naman ng digi cam. Hay. Kelan kaya mapapasakamay sakin to?

3. IPAD/ MACBOOK

Hindi naman ako sakim. Kaya nga IPAD OR MACBOOK lang okay na ako. Kahit isa man lang diyan. Sisiguraduhin kong magiging mabait na po talaga akong bata po. (Sobrang galang)

2. KOTSE


Ang astig talaga pag may kotse ka. Yung tipong sa lahat ng lakad mo katabi mo yung mayabang mong kotse. Ewan ko na lang kung hindi maging agaw pansin sa daan ang kotse mo pag ganito. Ang problema siguradong lapitin ka ng carnapper.

1. UNO SA MATH17

Eto talaga yun eh. LOL. Pinaka-inaasam ko talaga to. UNO. Ang sarap pakinggan. Makukuha rin kita.
Itaga mo sa bato.


Santa, iyan lang naman ang gusto ko. Alam mo nagpakabait naman ako ngayong taon eh. Kahit hindi halata.


P.S.
Pwede mo nga palang kontakin yung mga tao sa paligid ko para tanungin kung gaano ko kabait. Wag kang mag-alala binayaran ko na sila hindi sila sinungaling.

Nagmamahal,

Charm ( Pinakamabait na bata ngayong 2010)