Friday, December 24, 2010

PASKO SA UPLB

Disyembre na. At ano pa nga bang okasyon ang pinakahihintay tuwing sasapit ang buwan na ito? Ito yung tipong kahit san ka mapalingon may countdown para dito - sa tv, radyo, kalendaryo, cellphone ng katabi mo, at iba pa. Ito yung panahon na may mga batang mambubulabog sa bahay niyo para kumanta at pagkatapos ay bibigyan mo ng kaunting barya at hindi pa sila matutuwa. Pero kakaiba ang Disyembre ko ngayong taon. Kasi unang Disyembre ko ito na wala sa bahay namin. Ang mga dati kong kaibigan na kasama kong mag-gala tuwing ganitong pasimula ng Disyembre ay hindi ko kasama. Sapagkat andito nga ako sa Elbi, ika nga.

Siguro nagegets niyo na kung anong ibig kong sabihin. PASKO na di'ba? Halika at ipapatikim ko sa inyo ang simoy ng PASKO SA UPLB.

Panoorin niyo muna to para mas lalo niyong mafeel ang Pasko sa Elbi.

Eto lang ang ilan sa mga napansin ko sa paligid ng Elbi habang namamasyal ako.

1. ANG NAGLALAKIHANG PAROL SA GROVE 



Bago ka pa lang makapasok sa pinaka-gate ng UPLB ay sasalubungin ka na ng mga kapansin-pansin at malalaking parol. Talaga namang mapapatingala kahit ayaw mong tumingala. Para bang sinasabing "Hoy Pasko na! Tingalain mo ako. Ang gondo- gondo ko!"


2. ANG TANAWIN PAGPASOK SA ELBI



Makikita mo sa kaliwa ang giant christmas tree na kulay white, sa gitna naman ay ang belen. Sinamahan pa ng iba't ibang kulay ng ilaw na mas lalong nagpatingkad at nagbigay buhay sa paligid ng Elbi.

3. ANG GIANT CHRISTMAS TREE


Sa totoo lang nung una kong nakita to. Isa lang ang pumasok sa utak ko. "Bakit white? May snow na sa ELBI?! OHMAYGAD." Hahaha. Pero naisip ko ang pangit nga pag green. Hindi gaanong buhay ang kulay, para sakin. Kaya simula nun, tinanggap ko ng may snow nga sa Elbi. Ang galing.

4. ANG BITUIN SA TUKTOK NG GIANT CHRISTMAS TREE



Hindi naman lingid sa aking kaalaman kung gaano kalaki ang effort ng gumawa ng Christmas tree na eto. Samahan pa ng malaking star sa tuktok. Isa lang ang masasabi ko. Nalula kaya yung kuyang naglagay ng bituin na iyan? Siguro habang nilalagay niya yan nasa isip niya ang mga katagang eto, "Bukas luluhod rin ang mga tala."

5. ANG BELEN

Ito para sakin ang pinakamakabuluhan na disenyo para sa Pasko. Parang pag tinitignan ko to napapatulala ako. Lalo na sa may sabsaban parang napaka-payapa pagmasdan. Pwera na lang kung magkuyugan na ang mga taong magpapapicture dito. Ewan ko ba kung bakit ganun. Nakokonsensya ata ako. HAHAHA.

6. ANG SLEIGH NI SANTA



Ito naman ang pinakapaborito ko sa lahat. Tuwang-tuwa ako ng makita ko to nung umaga na inaayos pa lang nila. Tapos nung gabi na natapos nila ito. Halos magtatalon ako sa tuwa. Lalo na nung inilawan na nila. Seryoso. Tumambay ako sa isa sa mga bench sa harap nito para pagmasdan lang ng ilang oras ang sleigh na to. Hindi ko nga alam bakit parang hindi ako nagsasawa tignan to. Kaya kapansin- pansin naman na ang daldal ko sa parteng ito. Tuwang- tuwa kase ako. Lalo na dun kay Rudolph na nasa unahan. Sayang nga lang at hindi pwedeng sakyan.

Lahat naman ng disenyo na ito ay nagpabuhay sa UPLB. Sana nga lang ay hindi natin makalimutan ang tunay na diwa ng Pasko, - ang pagmamahalan at pagbibigayan. Anu daw? HAHAHAHA.

Maligayang Pasko sa lahat!

Photos by:
Edge Azucena


0 comments:

Post a Comment