Sunday, November 21, 2010

Top 10 Christmas Wish List

Dear Santa, 
Nawa'y mabasa mo ang blog ko na ito.Ito lang naman ang gusto kong makamit bago matapos ang 2010. Dahil malapit na nga ang Pasko ipagkaloob mo naman sana ang mga hinihiling ko. Sana matupad. :)

10. BIKE


Simple lang naman di'ba? Gusto ko lang kasi magkaroon ng bike. Matagal na ang pangarap ko na to. Simula pa nung nagsummer ako dito sa Elbi. Para kasing ang sarap ng pakiramdam habang nagbibike ka sa paligid.Tapos ang dami pang punong nakikita. Lalo na tuwing umagang-umaga, masarap ang hangin. Kahit hindi ko pa natatry yun kainin. Ang gusto ko nga pala sa bike ay yung may basket sa harapan. Cool, eh?

9. PLANNER/ ORGANIZER FOR 2011

Kahit anung planner na ipagkaloob mo sakin. LOL. Pero gusto ko sana yung Starbucks Planner simple lang at may kalakihan. Para makapag-doodle rin ako kahit papaano. Napansin ko lang kasi na nagiging makakalimutin na ko ngayon. Tumatanda na ata ako.

8. 1 YEAR SUPPLY NG NUTELLA & ICE CREAM

Isa na ata sa mga pagkain sa buong mundo ang hinding-hindi ako magsasawa ay ang Chocolate.Especially yung Nutella at Ice Cream. Gusto ko namang maranasang magpakabundat nito ng isang taon. Pero ang maganda dun eh yung hindi ako nag-aalala na mababawasan ang allowance ko. Kinakapos na kasi ako dito eh kaya hindi ko na mailagay sa priority list ko ang mga yan pag nag-gogrocery ako. Minsan nga inaamoy ko na lang yung Nutella mga nakadisplay. LOL.
 
7. FOUNTAIN PEN


Hay. Isa pa to. Ang tagal ko na tong pangarap. Dati nanghingi ako ng ganitong regalo sa kaibigan ko. Ang sabi niya saka na lang daw pag may trabaho na ko at kung may mga papeles na kong pipirmahan. Gustong-gusto ko na magkaroon nito para sipagin namin ako magsulat. Kahit anong fountain lang, di naman ako mapili. Pero alam ko namang mabait ka kaya gusto ko sana yung nasa itaas na ang ibigay mo sakin. Mystery Masterpiece nga pala ang pangalan nung fountain pen na yan. Limited Edition lang at Most Expensive Pen in the World. Kaya Santa bilisan mo ha, ipareserved mo na ko nito. 

6. GITARA




Matagal-tagal na rin akong last na nakahawak ng gitara. Nakalimutan ko nga yung mga ibang mga chords na malulupit. Second year highschool ata ako nung nasira yung gitara ko. Tinalunan kasi ng pusa namin at dahil nakasabit nga yun sa pader, bumagsak yun at nabasag. Buti na lang hindi nagdilim ang paningin ko sa pusa namin. Kung hindi baka nilason ko na yun. Simula nun, di na rin ako nakapag-gitara. Tinamad na ko. Ang pangit na kasi ng tunog nung basag na gitara kahit pa pinaghirapan kong iparepair yun. :|

5. GIFT CERTIFICATE MULA SA NATIONAL BOOKSTORE 


Gustong-gusto ko magbasa ng mga libro. Ang kaso gusto ko namang makabasa ng libro na pagkatapos ko basahin eh mailalagay ko sa bookshelf ko kuno. Wala kasi akong pera pambili. Kaya madalas sa madalas eh nanghihiram lang ako. Kaya kung magkakaroon man ako ng gift certificate mula sa National Bookstore, gusto ko sanang makumpleto yung mga libro ni Nicholas Sparks.

4. SLR
Ang cool pag nagkaroon na ko ng ganito. Parang ang sarap-sarap magkukuha ng pictures. Nagsasawa na rin kasi ako sa pipitsuging camera ng cellphone ko. Ayoko naman ng digi cam. Hay. Kelan kaya mapapasakamay sakin to?

3. IPAD/ MACBOOK

Hindi naman ako sakim. Kaya nga IPAD OR MACBOOK lang okay na ako. Kahit isa man lang diyan. Sisiguraduhin kong magiging mabait na po talaga akong bata po. (Sobrang galang)

2. KOTSE


Ang astig talaga pag may kotse ka. Yung tipong sa lahat ng lakad mo katabi mo yung mayabang mong kotse. Ewan ko na lang kung hindi maging agaw pansin sa daan ang kotse mo pag ganito. Ang problema siguradong lapitin ka ng carnapper.

1. UNO SA MATH17

Eto talaga yun eh. LOL. Pinaka-inaasam ko talaga to. UNO. Ang sarap pakinggan. Makukuha rin kita.
Itaga mo sa bato.


Santa, iyan lang naman ang gusto ko. Alam mo nagpakabait naman ako ngayong taon eh. Kahit hindi halata.


P.S.
Pwede mo nga palang kontakin yung mga tao sa paligid ko para tanungin kung gaano ko kabait. Wag kang mag-alala binayaran ko na sila hindi sila sinungaling.

Nagmamahal,

Charm ( Pinakamabait na bata ngayong 2010)











0 comments:

Post a Comment